Javi, sumusunod sa yapak ng ama

Sobrang saya ni Mayor Javi Benitez ng Victorias City, Negros Occidental dahil tagumpay ang ganap sa kanyang nasasakupan, ang 27th Kadalag-an Festival.
Dagsa raw ang mga artista na dinumog ng kanyang mga kababayan.
Talagang magiging malaking politician in the making si Javi at obvious na sumusunod na sa yapak ng ama na si Albee Benitez na na-master ang PR at charm sa mga tao.
Talagang person to watch si Mayor Javi sa mga susunod na election na ngayon ay kumakandidatong congressman, kaya lucky Pat-P Daza dahil paborito siya ng mga Benitez at si Tet de Joya na talagang from day 1 Benitez girl na.
‘Jokjok, mahirap kalimutan’
Hindi talaga ako maka-move on sa pagkawala ni Jokjok.
Talagang ang lakas ng impact sa akin na minsan nagi-guilty na ako sa mga kamag-anak kong nauna na sa akin.
Hindi ko maipaliwanag talaga iyong pakiramdam na talagang grabe ang emptiness na nararamdaman ko. Hanggang ngayon para bang naririnig ko pa ‘yung paglakad niya sa bahay ‘yung whining niya dahil naghahanap ng food, ‘yung paghiga niya sa may paanan ko para bantayan ako.
Bakit ang iksi ng buhay ng mga katulad nilang aso? Bakit ganun lang kahaba ang buhay nila?
Hindi ba puwedeng sabay kayo sa pag-alis sa mundo?
Ngayon ay alam ko na kung bakit ganun magluksa ang mga nawalan ng pet. Sobrang sakit pala.
Parang nawalan ka ng taong minamahal.
Bye, Jokjok, wait for lola Lolit.
- Latest