'Nonoy' papasok sa PAR sa Sabado
MANILA, Philippines – Ganap nang bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) ng state weather bureau at inaasahang papasok ito sa Philippine area of responsibility (PAR) Sabado ng umaga.
Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa 1,440 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur kaninang alas-10 ng umaga.
Taglay nito ang lakas na 55 kilometers per hour (kph) habang gumagalaw pa-kanluran hilaga-kanluran sa bilis na 20 kph.
Pangangalanang “Nonoy” ang inaasahang pang-14 na bagyo ngayong taon oras na pumasok ito ng PAR.
Hindi naman inaasahan ng PAGASA na tatama sa kalupaan ang bagyo ngunit mararamdaman ang epekto nito sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao.
"The weather disturbance is expected to bring moderate to occasionally heavy rains over eastern section of Southern Luzon and Visayas areas beginning Sunday as it continues to approach eastern Visayas-Bicol region area," pahayag ng PAGASA.
- Latest