Dagdag-batas vs corruption hirit ni Leni
MANILA, Philippines - Binigyang diin kahapon ni Liberal Party vice presidential bet Leni Robredo na dapat magkaroon ng isang malawakang good governance program, sa pagsasabing hindi sapat ang transparency para labanan ang katiwalian sa pamahalaan.
“We can talk of transparency but it is not enough but we should pass more laws that will make public officials more accountable. Para ngayon, kulang na kulang kasi iyon,” wika ni Robredo.
“So many government officials who do wrong get away with so many things,” dagdag pa ni Robredo, na kilalang nagsusulong ng malinis na pamamahala.
Kumbinsido si Robredo na dapat palakasin ng pamahalaan ang people empowerment, sa pagbibigay ng mas malaking lugar sa taumbayan na makilahok upang makita ng ordinaryong Pilipino na bahagi sila ng pamahalaan at hindi nasa labas nito.
Ayon kay Robredo, nagdudulot ng malaking problema sa bansa ang kaisipan ng taumbayan na hindi sila kabilang sa pamahalaan.
“I think when people feel they are part of government and government is more open to people participation, so much can be done,” wika ni Robredo.
“Ngayon kasi, parang tingin ng tao na kalaban niya ang gobyerno. And it’s not because kasalanan ng tao, siguro may pagkukulang ang gobyerno kasi hindi masyadong bukas,” dagdag pa niya.
Sa pamamagitan ng people participation, iginiit ni Robredo na makakakuha ang pamahalaan ng magagandang ideya at akmang solusyon sa mga problema.
“Ang magagandang solusyon ay mula sa mga taong naaapektuhan mismo ng problema,” wika ni Robredo.
- Latest