Philippine Rice sa mga magsasaka: Palay na nabubuhay kung tagtuyot ang itanim
MANILA, Philippines – Hinikayat ng Philippine Rice Research Institure (PhilRice) ang mga magsasaka na magtanim na lamang ng mga palay na nabubuhay tuwing panahon ng El Niño phenomenon.
Ito ayon sa PhilRice ay upang mapunan pa rin ng bansa ang pangangailangan sa butil ng mamamayan kahit na may El Niño.
Ayon sa PhilRice, ang pagtatanim ng mga drought-tolerant varieties at paggamit ng El Niño-ready technologies sa rice production ay malaking tulong upang patuloy na magkaroon ng magandang ani ang mga palay farmers kahit panahon ng tagtuyot.
Ayon sa Pagasa, ang El Niño ay magpapatuloy hanggang sa mga unang buwan ng 2016.
Sa panahong ito, ang mga magsasaka ay maaaring gumamit ng water-saving technologies tulad ng controlled irrigation o alternate wetting and drying (AWD), aerobic rice, drip irrigation at reduced tillage technology.
- Latest