Pagtataas ng city aid, tama lang - Manila Dad
MANILA, Philippines - Malaki ang paniniwala ni Manila 1st District Councilor at acting Majority Floor Leader Ernesto Dionisio, Jr., na tama at napapanahon ang desisyon ng konseho ng Maynila sa pagpasa ng ordinansa na naglalayong itaas ang city aid sa mga barangay sa lungsod.
Ayon kay Dionisio, mula sa P1,000 kada taon ay naipasa na sa ikalawang pagbasa ang pagtataas ng city aid o Barangay Development Fund sa P12,000 kada taon.
Sinabi ni Dionisio na matagal nang dapat na itaas ang city aid subalit dahil sa kakulangan ng pondo ay hindi ito maisakatuparan ng konseho.
Umaasa aniya ang konseho na agad na pipirmahan ito ni Manila Mayor Joseph Estrada upang maisama sa annual budget ng lungsod sa susunod na taon.
Ang draft ordinance ay ang “An ordinance increasing the amount of city aid or financial assistance granted by the City of Manila to all component barangays within the jurisdiction of the city from One Thousand Pesos (P1,000) to Twelve Thousand Pesos (P12,000) per fiscal year, appropriating the amount of Eleven Million Six Hundred Sixteen Thousand Pesos (P11,616,000.00) to be incorporated on the annul budget of the city for such purpose, and for other purposes” .
Layon ng BDF na mapabuti pa ang pagbibigay ng serbisyo ng mga barangay sa kanilang mga nasasakupan. (Doris Borja)
- Latest