Dagdag allowance sa pulis, sundalo aprubado
MANILA, Philippines - Inaprubahan ng Senado ang Joint Resolution No. 2 na naglalayong itaas ang subsistence allowance ng mga sundalo at iba pang uniformed personnel sa bansa.
Sinabi ni Sen. Antonio Trillanes IV, principal author ng nasabing resolusyon, tataas ang moral ng mga pulis at sundalo kung mabibigyan sila ng karagdagang subsistence allowance.
“Sa pamamagitan ng pagtataas ng subsistence allowance ng ating mga sundalo at pulis tataas ang kanilang morale dahil nangangahulugan rin ito ng pagkilala sa kanilang mga sakripisyo para sa ating bansa,” wika pa ni Trillanes.
Sa ilalim ng resolusyon, itataas mula P90 hanggang P150 kada araw ang subsistence allowance ng mga sundalo at iba pang uniformed personnel mula Enero 1, 2015.
Sakop rin ng resolusyon ang mga opisyal, enlisted personnel, probationary second lieutenants, at civilian active auxiliaries ng Armed Forces of the Philippines; commissioned at non-commissioned na kawani ng Philippines National Police, Bureau of Fire Protection, at Bureau of Jail Management and Penology; mga kadete ng Philippine Military Academy at Philippine National Police Academy; at ang Philippine Coast Guard.
- Latest