Black sand mining itinanggi ng Bluemax
MANILA, Philippines - Itinatanggi ng Bluemax Tradelink Inc. ang akusasyon na ang kanilang kumpanya ay sangkot sa iligal na pagmimina ng ‘black sand’ sa iba’t ibang lugar ng Zambales lalo na sa lugar ng Botolan.
Muling sinabi ng Bluemax Tradelink Inc. na ang kanilang kumpanya ay nagpoproseso lamang ng lahar sand export sa malalapit na bansa sa Pilipinas.
Binanggit din nila na nagdadala lamang sila ng buhanging lahar sa Singapore na gagamitin sa reclamation project at ito ay mapapatunayang lehiÂtimo dahil sa kanilang mga pinangÂhahawakang permit para sa kanilang pang araw-araw na operasyon.
Naging malaking problema sa karatig na lugar ng gitnang Luzon lalo na sa Tarlac, Pampanga at Zambales ang mapanirang pagdaloy ng lahar sa mga sapa at ilog lalo na tuwing sasapit ang tag-ulan simula pa noong pumutok ang bulkang Pinatubo noong 1991.
Sa paghalo ng tubig sa buhangin, ang mga tulay, daanan at iba pa ay sinisira ng naguumapaw na lahar matapos itong daanan papuntang dagat kung saan ang ating gobyerno partikular ang DPWH ay walang makabagong paraan para alisin ang lahar sa lugar.
Dahil dito, humingi ang provincial government ng tulong sa mga pribadong kumpanya tulad ng Bluemax na tanggalin ang lahar sa lugar nang walang hinihinging kahit anong kabayaran.
Ang naturang proyekto ay nagbibigay ng trabaho sa mga lokal na mamamayan ng Zambales, na kung saan ang pagbabayad umano ng tax ay hindi rin pinapabayaan samantalang ang lokal na pamahalaan ay nagbibigay din ng kabuhayan at iba’t ibang proyekto sa tulong ng lahar.
- Latest