Air Force tutulong sa cloud seeding operations
MANILA, Philippines - Minobilisa na ng Philippine Air Force (PAF) ang mga tauhan nito upang tumulong sa ‘cloud seeding operations’ ng Bureau of Soil and Water Management (BSWM) sa mga dam sa Luzon na nasa kritikal na ang level ng tubig kaugnay ng matinding epekto ng tag-init dulot ng nakaambang El Niño phenomenom.
Ito ang inihayag kahapon ni Lt. Col. Enrico Canaya, bagong talagang Spokesman ng Philippine Air Force (PAF).
Ayon kay Canaya, nakahanda rin ang PAF na gamitin kung hihilingin ang kanilang mga Cessna LC210 Centurion aircraft sa cloud seeding operations na pinangungunahan ng BSWM
Sa tala ng weather bureau, mararamdaman ang matinding epekto ng El Niño phenomenom sa ikaapat na bahagi ng taon hanggang sa Oktubre ng taong 2015.
Ayon kay Canaya isinagawa ang inisyal na cloud seeding operation noong Biyernes ng nakaraang linggo gamit ang aircraft ng BSMW na pinakilos ang kanilang mga tauhan para tumulong sa nasabing misyon.
Kabilang sa target ng cloud seeding operation ay ang Angat Dam sa Bulacan, La Mesa Dam sa Quezon City, San Roque Dam sa Pangasinan-Benguet at Magat dam sa Isabela.
- Latest