Gobyerno kumikilos para resolbahin ang kahirapan at kagutuman sa bansa
MANILA, Philippines - Siniguro ng Malacañang na kumikilos ang gobyerno upang mabigyang solusyon ang kagutuman at kahirapan sa bansa matapos lumitaw sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS) na umaabot sa 3.9 milyong pamilya ang itinuturing na mahirap.
Sinabi ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr. sa media briefing kahapon, hindi tumitigil si Pangulong Benigno Aquino III at gobyerno nito upang isulong ang poverty reduction and social protection.
Lumabas sa pinakahuling SWS survey na isinagawa nitong Marso 27-30 ay lumitaw na 3.9 milyong pamilya ang itinuturing nilang mahirap at nagugutom sila sa nakalipas na 3 buwan.
Aniya, kampante din ang gobyernong Aquino na makakamit pa din nito ang target na Millenium Development Goals sa susunod na taon upang maibsan ang kahirapan sa bansa.
- Latest