P1-M sahod ayaw ni PNoy
TAGBILARAN CITY, Bohol, Philippines - – Tinanggihan ni Pangulong Aquino ang panukala ni Sen. Antonio Trillanes IV na gawing P1 milyon ang suweldo ng pangulo ng bansa.
Sinabi ng Pangulo sa ambush interview dito kahapon, sakaling aprubahan man ng Kongreso ang panukalang dagdag suweldo sa mga government officials at workers ay hindi naman siya puwedeng makinabang dito.
May panukala si TrillaÂnes na itaas sa P1 milyon ang suweldo ng pangulo kada buwan habang ang magiging lowest grade ng goÂvernment employees na mula P9,000 ay gagaÂwing P16,000.
Idinahilan ng mamÂbabatas na ito ay upang maiwasan na raw ma-encourage o matukso na pumasok sa katiwalian ang mga empleyado.
Sabi ng Pangulo, maging ang panawagan ng mga government workers na dagdag na suweldo ay hindi kaÂyang ibigay ng gobyerno dahil sa mas maraming prayoridad ang pamahalaan tulad ng mga nakabinbin na benepisÂyo at pension ng mga retiradong sundalo at pulis.
Ambisyon din ng kanyang administrasyon na maitaas ang sahod ng mga government worÂkers subalit sa kasalukuyan ay hindi pa umano ito kayang ibigay.
“Bago natin dagdagan iyong sweldo, benepisyo ng mga empleyado ng gobyerno, baka naman dapat naÂting isipin bayaran na muna natin iyong mga obligasyon natin sa empleyado ng gobyerno o mga dating empleyado ng gobyerno. So ang tinutukoy ko in particular iyong pension and benefits ng AFP at PNP na unfunded. Unfunded ibig sabihin sa budget kinukuha taun-taon,†paliwanag ng Pangulo.
Samantala, ipinagtanggol naman ni Aquino na mas mataas ng P1.3 milyon ang kanyang isinumiteng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) para sa 2013 dahil sa kanyang mga investment interests.
- Latest