Albularyo, bawang kinontra bilang gamot sa rabies
MANILA, Philippines - Kinontra ng mga beterinaryo ng Valenzuela Health Office ang uri ng panggagamot ng mga albularyo at nakagawian na pagpapahid ng bawang sa mga sugat buhat sa kagat ng hayop na pinaniniwalaang may rabies.
Ito’y makaraang makapagtala ang lungsod ng Valenzuela ng 6,795 kaso ng kagat ng hayop sa kabuuang 2013. Nasa 4,915 o 72 porsyento nito ay kagat ng aso habang 1,809 o 27 porsyento ay kagat ng pusa. Ang natitirang porsyento ay kagat ng ibang hayop tulad ng unggoy at daga.
Nasa 3,793 sa natuÂrang mga kaso ay nasa edad 15-anyos pababa ang mga biktima habang 3,002 ay higit 15-anyos pataas.
Ngayong 2014, dalawa na ang naitala na nasawi na kapwa may edad 50-pataas dahil sa rabies. Ito ang kauna-unahang kaso ng pagkamatay dahil sa rabies sa lungsod mula noong taong 2011.
Ayon kay Dr. Matty Torres, ng Valenzuela Animal Bite Center, huwag dapat paniwalaan ang matandang paniniwala na nakakagaling ang paglalagay ng bawang sa sugat buhat sa kagat ng hayop. Mas makakasama pa umano ito dahil sa masusunog ng kemikal ng bawang ang balat ng tao.
Iwasan rin umano na magtungo sa mga albularyo na nagsasagawa ng uri ng panggagamot na tinatawag na “tandok at tawakâ€. Sa tandok, nilalagÂyan ng albularyo ng piraso ng sungay ng usa ang sugat na pinaniniwalaang pinalalabas ang rabies habang sa “tawakâ€, hinihiwa ang sugat ng blade at sinisipsip ang rabies palabas.
Sa dalawang paraan, maaaring magkaroon ng tetanus ang pasyente dahil sa “clostridium bacteria†na makukuha sa laway ng tao, dumi ng hayop at lupa.
Sinabi ni Dr. Torres na pinakamabisa pa rin na linisin ang sugat gamit ang sabon at umaagos na tubig at agad na magtungo sa beterinaryo na magbibigay ng anti-biotics, anti-tetanus at anti-rabies na bakuna.
Kailangan ring pagmasdan ang nakakagat na hayop sa loob ng dalawang linggo. Kapag namatay ito, nangangahulugan na impektado ito ng rabies at nararapat na dalhin ang labi nito sa City Veterinary Services Office (DVSO) upang maeksamin ito.
- Latest