^

Bansa

ERC binalaan ng Senado sa power hike

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binalaan kahapon ni Senator Antonio Trillanes ang Energy Regulatory Commission na matindi na ang galit ng publiko kaya dapat pag-isipang mabuti ang posibleng paghirit na naman ng dagdag na singil sa kuryente.

Sa pagdinig ng Senate­ Committee on Energy kaugnay sa naging pagtaas ng presyo ng kur­yente na napigil lamang ng Supreme Court, sinisi ni Trillanes si ERC chair Zenaida Ducut na dapat umanong nagbabantay sa problema ng elektrisidad sa bansa.

“Alam n’yo Chairman Ducut, matindi na ang galit ng mga consumers. Ngayon ang sinasabi ko, kayo ang may kasalanan kasi dapat kayo ang nagbabantay dito,” ani Trillanes.

Ipinahiwatig din ni Trillanes na mistulang nagiging rubber stamp na ng Meralco ang ERC na halos lahat ng kahilingan sa dagdag singil sa kur­yente ay pinagbibigyan.

“With due respect to the senator, we are not rubber stamp,” sagot naman ni Ducut.

Nangangamba si Trillanes na muling pagbibigyan ng ERC ang dagdag singil sa kuryente sa mga susunod na buwan.

Ayon naman kay Sen. Chiz Escudero, mistulang walang malasakit sa taumbayan ang mga opisyal ng enerhiya.

Kinuwestyon din ng ilang senador na dumalo sa pagdinig ang Department of Energy at Power Sector Assets and Liabilities Management Corp., (PSALM) matapos lumabas na hindi ginamit ang naka-standby na Malaya power plant.

Ang nasabing planta ay may kapasidad na 600 megawatts na sapat sana upang tugunan ang kakulangan ng supply sa kuryente sa Luzon nang mag-shutdown ang Malampaya power plants.

Ipinaliwanag ni PSALM department manager Abelarbo Sapalaran, hindi nila nagamit ang Malaya power plant dahil mas malulugi ang gobyerno.

Ayon kay Sapalaran, mas mahal ang operating expenses ng gobyerno kung i-operate ang Malaya.

Iginiit ni Escudero, na kung pinatakbo lamang sana ang naturang planta kahit malugi pa ang gobyerno ay hindi tumaas ang singil sa kuryente sa Luzon.

Sabi naman ni Sen. Serge Osmeña na mas mabuting sunugin na lamang ang Malaya power plant kung hindi naman ito magagamit sa emergency o kapag kinakapos ang suplay ng kuryente.

 

ABELARBO SAPALARAN

AYON

CHAIRMAN DUCUT

CHIZ ESCUDERO

DEPARTMENT OF ENERGY

ENERGY REGULATORY COMMISSION

LUZON

POWER SECTOR ASSETS AND LIABILITIES MANAGEMENT CORP

TRILLANES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with