Super typhoon ‘Yolanda’ papasok sa PAR
MANILA, Philippines - Binalaan ng PAGASA ang publiko na maghanda sa papasok na bagyong “Yolanda†sa Philippine Area of Responsibility na inaasahan nilang magiÂging isang super typhoon.
Ayon kay Glaiza Esculiar, weather forecaster, ang naturang bagyo kaÂpag pumasok sa PAR ay inaasaÂhang may lakas na aabot sa 185 kilometro bawat oras.
Sinabi ni Esculiar na ang bagyo na may international name na Haiyan ay patuloy pang lumaÂlakas habang humihigop ng haÂngin sa karagatan.
Anya, inaasahang aabot sa 185 kilometro bawat oras ang lakas ni “Yolanda†pagpasok sa Pilipinas ngayong Miyerkules.
Sa pinakahuling tracÂking ng PAGASA, patuloy na tinutumbok ng bagyo ang direksyong Eastern Visayas, diretso ng Central Visayas hanggang Panay Island at babagtasin ang Southern Tagalog o bahagi ng Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan
Bunsod nito, umalerto na kahapon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council kaugnay ng nagbabadÂyang pagpasok ng super typhoon.
Ayon kay NDRRMC spokesman Major Rey Balido, itinaas ang blue alert o heightened alert status sa Central at WesÂtern Visayas, Eastern Visayas, Region V, Region IV A (Calabarzon), Region IV B (Mimaropa), NorÂthern Mindanao, Caraga at maging ang Metro Manila.
Ang blue alert ang ikalawa sa pinakamataas na alerto na ang ibig sabihin ay may paparating na bagyo.
Samantalang ang red alert ay ang pinakamataas na ang ibig sabihin ay humagupit na ang bagyo na pumasok sa teritoryo ng bansa habang ang white alert ay ang pinaka-kalmadong alerto.
Inalerto na rin ang Central Visayas partikular na ang Bohol na hindi pa nakakabawi sa 7.2 magnitude ng lindol noong Oktubre 15 dahil sa posibleng landslide at flashflood.
Maging ang Bicol at Eastern Visayas ay piÂnagÂhahanda sa paparating na bagyo na magdudulot ng malalakas na pag-ulan at ihip ng hangin.
Sa ipinalabas na babala ng US National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA), ikinategorÂya dito ang supertyphoon na may taglay na lakas ng hangin sa bilis na 234 kph o higit pa.
- Latest