Utas sa Zambo, 125 na
MANILA, Philippines - Umakyat na sa 125 katao ang nasasawi sa bakbakan ng tropa ng pamahalaan at rebeldeng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zamboanga City na nasa ika-15 araw na ngayon.
Sa naturang bilang, 11 sa AFP, tatlo sa PNP, 12 ang sibilyan at 99 naman ang MNLF.
Sa panig ng AFP na nasugatan ay umabot na sa 133, sa PNP ay 13 at 49 naman ang sibilyan.
Nasa 72 ang naaresÂtong MNLF at 45 ang kusang sumuko sa pamahalaan.
Ayon kay Major Angelo Guzman, Deputy Public Affairs Office Chief ng AFP, may kabuuang 174 mula sa 183 mga hinostage na residente ang nailigtas.
Ang nakuhang mga high powered na armas ay nasa 64 at 13 naman ang mababang klase ng armas.
Samantala, siniguro ng Palasyo na gumagawa pa rin ang gobyerno ng paraan upang mapasuko ang mga miyembro ng MNLF-Misuari faction na patuloy sa pakikipaglaban sa mga awtoridad sa Zamboanga City.
Sinabi ni Usec. Abigail Valte, nagpakalat ng flyers ang gobyerno upang ipaalam sa MNF-Misuari group na may pagkakataon pa sila upang sumuko.
“Hindi nawala po ‘yung pagsusumikap ng ating mga sundalo. In fact, nagpapalapag nga ho sila ‘nung mga flyer doon sa mga area kung saan natin ho pinaniniwalaang nandoon ho ‘yung mga ibang elemento ng mga kasapi ng Misuari faction,†dagdag ni Valte.
Hindi naman titigil ang mga sundalo sa pagtugis sa natitirang miyembro ng MNLF na patuloy sa pagtatago sa Zamboanga City.
Patuloy ang cleaÂring operations ng military at nagsasagawa sila ng house-to-house upang hanapin ang nalalabing MNLF fighters.
- Latest