^

Bansa

Sotto interesado sa posisyon... Chiz: Senate Prexy labanan ng numero

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tanggap ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na labanan ng numero o paramihan ng bilang ang posisyon ng Senate President.

Ginawa ni Escudero ang pahayag matapos matanong tungkol sa pahayag ni presumptive senator Vicente “Tito” Sotto III tungkol sa posibleng pagpapalit ng liderato ng Senado.

Sinang-ayunan ni Escudero ang sinabi ni Sotto na tatanggapin nito ang posisyon bilang lider ng Senado kung magkakaroon siya ng numero.

Ayon kay Escudero, ang posisyon ni Sotto ay maaaring pananaw din ng halos lahat ng senador.

“I think the same statement will apply to almost all the senators. Kahit naman sa akin noon bago ko inisip man lang o pinangarap hindi ko nga pinangarap na maging senate president. Sino man ang may numero dapat tanggapin niya ‘yong responsibilidad at ‘yong hamon na ‘yon kung nasa kanya ang tiwala ng mas nakararaming senador,” ani Escudero.

Nauna rito, sinabi ni Sotto na kung magkakaroon siya ng 13 o higit pang bilang ng senador na susuporta sa kanya ay tatanggapin niya ang posisyon.

“Kung mayroon akong 13 o higit pang mga kasamahan na sumama sa akin, siyempre, tatanggapin ko,” sabi ni Sotto.

Naniniwala rin si Escudero na dapat munang patapusin ang kasalukuyang 19th Congress saka pag-usapan ang posibleng pagbabago sa liderato.

“Katatapos lang ng eleksyon at bangayan at ingay, sisimulan n’yo na naman. Palipasin n’yo naman. Tapusin muna natin itong Kongresong ito,” ani Escudero.

“Sa dulo, ang magpapasya ng Senate president kung mananatili man ako o iba ang uupo ay ‘yung mayorya ng Senado,” sabi pa ni Escudero.

Nagbakasyon ang 19th Congress mula noong Pebrero at magpapatuloy ang trabaho sa Hunyo 2 bago ang sine die adjournment nito sa Hunyo 13.

Magbubukas naman ang 20th Congress sa umaga ng Hulyo 28 na susundan ng State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa hapon.

CHIZ ESCUDERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with