^

Probinsiya

4 drug suspect,timbog sa higit P700K shabu

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Apat na drug suspek ang naaresto sa isang buy-bust operation operation sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan ng Cavite, ayon sa ulat ng pulisya.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas ‘Ranel’, nasa hustong gulang; alyas ‘Arturo’; alyas ‘Ramil’; at alyas ‘Christian’.

Ang suspek na si Alyas Ranel ay naaresto, alas-6:30 ng gabi sa Brgy. Malagasang 2-G,Imus City at nakumpiska ang nasa 80 gramo ng shabu na aabot sa P544,000.

Habang alas-12:15 naman ng madaling araw nang malambat ang suspek na si alyas Arturo sa Brgy. San Francisco, Gen. Trias City kung saan nakuhanan ito na mahigit sa 20 gramo ng shabu na aabot sa halagang P142,596. 

Kasunod na operasyon sa Bacoor City kung saan naman nadakma sina alyas Ramil at alyas Christian, alas-12:30 ng madaling araw sa Building 1 Ciudad De Strike,Brgy. Molino 1, Bacoor City at narekober ang mahigit sa 10 gramo ng shabu na aabot sa halagang P68,000.00.

DRUGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with