^

Bansa

Comelec: Voter turnout, pinakamataas sa kasaysayan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naitala ng Commission on Elections (Comelec) ngayong 2025 ang pinakamataas na voter turnout para sa isang midterm elections sa bansa.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Comelec Chairman George Erwin Garcia sa isang pulong balitaan sa Manila Hotel Tent City.

Ayon kay Garcia, ang kabuuang bilang ng mga bumoto sa katatapos na midterm polls ay nasa 81.65%.

Ito na ang pina­kamataas na voter turnout para sa isang midterm polls, sa buong kasaysayan ng Comelec.

“This is the highest [voter turnout] in a midterm election,” dagdag pa ni Garcia.

Sinabi pa ng poll chief na ang pagtaas ng voter turnout ay bunsod nang pagdagsa ng mga kabataang botante, tulad noong 2022 polls.

Halos kahalintulad din aniya ito nang naitalang turnout sa 2022 presidential polls, na nasa 82.5%.

COMELEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with