De Lima haharap ngayon sa ‘pork’ hearing
MANILA, Philippines - Kumpirmadong dadalo sa hearing ng Senate Blue Ribbon Committee ngayong umaga si Justice Secretary Leila de Lima at iba pang opisyal ng DOJ kasama rin ang mga sinasabing whistlebloÂwers na nagbunyag ng P10 bilÂyong pork barrel fund scam kung saan sangkot ang ilang senador at congressmen.
Ipagpapatuloy ng koÂmite na pinamumunuan ni Sen. Teofisto Guingona ang pagdinig ngayong alas-10 ng umaga.
Kabilang sa mga haharap si Agriculture Sec. Proseso Alcala kasama ang pinuno at kinatawan ang ilang implementing agencies na nasa ilalim ng DA na sinasabing piÂnaglagyan ng pork barrel ng mga mambabatas pero ibinigay naman sa mga pekeng non-government organizations na konektado kay Janet Lim-Napoles.
Hindi naman kinumpirma kung kasama rin sa darating na whistleblower si Benhur Luy, ang pangunahing testigo sa scam.
Samantala, tikom ang bibig ni de Lima sa report na kasama sa mga unang kakasuhan sa Ombudsman ang mga senador at kongresista dahil sa maanomalyang paggamit ng pork barrel.
Bagama’t hindi itiÂnanggi, hindi rin kinumpirma ni de Lima ang lumabas na report ngunit nagtataka siya kung bakit lumabas ang mga nasabing pangalan.
Una nang napaulat na kasama sina Sens. Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, Bong Revilla at Gigi Reyes na daÂting chief of staff ni Enrile sa mga ipaghaharap ng rekÂlamong plunder.
- Latest