Suhulan sa bidding tutuldukan ng APO
MANILA, Philippines - Pinasinungalingan ng APO Production Unit, Inc. ng Presidential Communications OpeÂrations Office (PCOO) ang mga alegasyon ng katiwalian kaugnay sa bidding para sa mga makinang pang-imÂprenta na ibinabato umano ng isang losing bidder gamit ang mga “insiders†sa naturang tanggapan.
Sa isang press statement, binigyang-diin ng APO na ang alegasyon ay bunsod ng mahigpit na repormang ipinatutupad ng pamahalaan sa mga pinapasok na kontrata para maputol na ang mga suhulan na karaniwang ginagawa noong araw.
Ang mga printing machines ay para sa binabalak na expansion at modernization ng APO na siyang opisyal na taga-imprenta ng pamahalaan ng mga security and accountable forms. Pinasinungalingan ng naturang ahensya ang mga paratang na may mga opisyal na gustong mangumisyon sa naturang transaksyon.
Ayon pa sa ahensya, sa matagal na panahon ay maraming grupo ng mga printers at suppliers na nahirati sa pagkopo ng mga kontrata ng pamahalaan. Kung hindi makuha ang kontrata sa tamang paraan, maglalabas ang mga ito ng “white paper†bago sumapit ang araw ng bidding, at pag natalo ay kukuha ng abogado para kuwestyunin ang naturang proseso.
Ang APO ProÂduction Unit ay isang ahensiya ng pamahalaan na walang tinatanggap na pondo o tulong mula sa gobyerno.
- Latest