Erwin, Ben Tulfo ‘tie’ sa senatorial survey
MANILA, Philippines — Sa pinakahuling 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey na isinagawa ng Tangere, lumitaw na ‘tie’ ang Media Executive na si Ben ‘Bitag’ Tulfo at ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo, na nakakuha ng 53% voter preference.
Nabatid na mataas ang voter preference na nakuha ni Ben sa Metro Manila, habang Northern Luzon, Central Luzon, at Southern Luzon naman si Rep. Erwin.
Lumilitaw na popular si Ben sa mga botante na nasa edad 18-25 habang mas nakatatanda naman ang gusto si Rep. Erwin Tulfo. Nagkaroon ng bahagyang pagbaba sa voter preference ng kongresista bunsod ng kanyang citizenship.
Sinundan naman ito ni incumbent Sen. Bong Go na may 51.25% voter preference mula sa Mindanao region na nasa edad 36-50; dating Senate President Tito Sotto, 48.21%; nag-tie rin sa 5th-6th place sina incumbent Sen. Bong Revilla, Jr., 42.00% at Sen. Pia Cayetano 41.42%.
Tatlong kandidato rin ang nag-tie sa 7th hanggang 10th place na kinabibilangan nina dating DILG secretary Benhur Abalos, Jr. (7.13%), dating senator Manny Pacquiao, 37.00% at Sen. Lito Lapid, 36.88% mula Central Luzon.
- Latest