COA sinisi sa PDAF scam
MANILA, Philippines - Sinisisi ni Dasmariñas Rep. Elpidio Barzaga ang umano’y mabagal na aksÂyon ng Commission on Audit sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala bilang pork barrel ng mga mambabatas.
Bunsod ito ng ulat na nakuha ni Abakada partylist Rep. Jonathan dela Cruz sa COA kaugnay sa umano’y 98 na mambabatas ang nakapaglagak daw ng kanilang pork barrel sa mga kwestyunableng organisasyon.
Kinuwestyon ni Barzaga kung bakit ngayon lang nilabas ng COA ang audit ng pork gayung ang inaudit ay noong 2010 pa at dapat ay unang buwan pa lamang ng 2011 ay inilabas na umano ang report.
Madali umaÂnong sabihin na naibubulsa ang pork barrel subalit kung maayos ang COA sa pag-audit, ay wala sanang ganitong issue dahil hindi naman umano gagawin ang tseke na payable sa kanilang sarili.
Dahil dito kayat hinamon ni Barzaga ang COA na ilantad na sa publiko ang 98 mambabatas upang ang publiko ang makapaghain sa Ombudsman ng kaukulang kaso.
Tinutulan ng mamÂbabatas ang gagawing imbestigasyon ng Kamara kundi makabubuting idirekta na lamang sa Ombudsman.
Nilinaw din ni Barzaga na hindi siya napipikon dahil lalong lumaki ang isyu ng pork barrel scam subalit makabubuti umano kung may ebidensya sa bawat akusasyon.
- Latest