GM ng MRT nag-leave sa ‘extortion’ isyu
MANILA, Philippines - Para bigyan daan ang isinasagawang imbestigasyon sa akusasyon ng extortion, nag-leave pansamantala sa kanyang trabaho ang General Manager ng Metro Rail Transit (MRT).
Ayon kay Department of Transportation and Communications (DOTC) Secretary Jose Emilio Abaya, nakausap niya si MRT general manager Al Vitangcol III nitong Lunes ng gabi bago ito naghain ng leave.
Sa kanilang pag-uusap ay mariin aniya nitong pinabulaanan ang alegasyon sa umano’y $30-million shakedown attempt sa isang Czech supplier ng mga tren.
Nauna rito, si Vitangcol at iba pang opisyal ay pinangalanan ni Czech Ambassador Josef Rychtar na umano’y nagtangkang mag-extort ng $30 million mula sa Inekon Group upang makuha ng mga ito ang kontrata sa pagsusuplay ng 48 bagong tren para sa expansion ng MRT.
Naganap umano ang naturang extortion attempt noong si Interior Secretary Manuel Roxas II pa ang pinuno ng DOTC.
- Latest