^

Bansa

Paglagda ng Pangulo sa K+12 pinuri

Rudy Andal at Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinuri kahapon ni Senator Ralph Recto ang tuluyang pagsasabatas ng “K+12” education na naglalayong itaas sa global standards ang edukasyon sa Pilipinas.

 Ayon kay Recto, ang mas mahabang panahon ng pag-aaral ay magi­ging daan upang mas tumaas ang antas ng edukasyon at malampasan pa ang edukasyon sa ibang bansa.

Naniniwala rin ang senador na hindi na makakaranas ng diskriminasyon ang mga magtatapos ng pag-aaral at makikita ang husay nila at ‘world-class skills’.

Napapanahon din aniya ang paglagda sa nasabing batas upang mapagtuunan naman ng atensiyon ang edukasyon makaraan ang mid-term elections.

“This refocuses our poll-distracted lenses to give a 20-20 vision to our children’s future and to the much-needed reforms in education,” ani Recto.

Nilagdaan kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III ang panukala matapos maipanalo ang halos lahat ng senatorial candidates ng Team PNoy.

AYON

EDUKASYON

NANINIWALA

NAPAPANAHON

NILAGDAAN

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PILIPINAS

PINURI

SENATOR RALPH RECTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with