Komunidad pinakikilos sa nawawalang mga bata
MANILA, Philippines - Dapat na kumilos na rin ang bawat mga magulang sa bawat komunidad upang masolusyunan ang mga ulat tungkol sa nawawalang mga bata.
Panawagan ni United Nationalist Alliance (UNA) senatorial candidate Milagros Magsaysay, dapat maging aktibo na rin ang mga komunidad upang maprotektahan ang bawat mga bata sa kanilang mga lugar.
Ito ay dahil sa hindi naman umano 24-oras araw-araw na kayang bantayan ng pulisya ang bawat lugar kayat ang isang komunidad na lamang ang dapat na maging aktibo sa pagbibigay proteksyon sa bawat isa at kanilang mga kapitbahay.
Paliwanag ni Magsaysay, sa ganitong paraan umano kapag may nakita silang estranghero sa kanilang komunidad at kinukuha ang isang bata ay maaari nilang kwestiyunin ito. At kapag nakita ng mga masasamang tao na may pagkakaisa sa isang komunidad ay mag dadalawang isip na ang mga ito sa gagawing masama lalo na ang pagtangay sa mga batang menor de edad.
Ang reaksyon ng mambabatas ay bunsod sa sunod sunod na insidente ng mga batang nawawala sa sa Metro Manila nitong mga nakaraang araw.
- Latest