Campaign giveaways hihigpitan
MANILA, Philippines - Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na hihigpitan nila ang campaign giveaways ng mga kandidato sa panahon ng kampanya.
“(We’re) also looking into giveaways. In previous elections, ang rule natin is if nominal naman value pwedeng hindi na habulin. Pinag-aaralan natin provision, maybe we will clarify specific items,†ani Comelec spokesman James Jimenez.
Paliwanag ni JimeÂnez, ito ay para na rin sa pantay-pantay na sistema ng pangangampanya.
Sinabi rin ni Jimenez na bibigyan na lamang nila ng tatlong araw ang mga kandidato upang tanggalin ang kanilang mga illegal campaign paraphernalia.
Samantala, padadalhan umano ng Comelec ang mga kandidato ng babala at paalala na tanggalin ang kanilang mga illegal campaign materials sa mga lugar na hindi naman deklaradong common poster areas, gayundin ang mga hindi alinsunod sa patakaran ng poll body.
Magsisimula ang kampanya sa national position sa Martes, Pebrero 12 habang Marso 29 naman sa local.
- Latest