Mayor, 2 bodyguard timbog sa mga armas, bala
MANILA, Philippines - Inaresto ng mga awtoridad ang alkalde ng Agno, Pangasinan at dalaÂwa nitong bodyguard kaugnay ng kasong illegal possession of firearms sa isinagawang raid sa bahay ng lokal na opisyal sa lalawigan, kahapon ng umaga.
Sa ulat ng Pangasinan Provincial Police Office (PPO), kinilala ang nasakote na sina Agno, Pangasinan Mayor Jose Pajeta Jr., mga bodyguards nitong sina Ruperto Batalla, 43 at Wilson Nivera, nasa hustong gulang.
Bandang alas-5 ng umaga nang salakayin ng mga elemento ng Regional Special Operation Task Group (RSOG) Pangasinan base sa search warrant na inisyu ni Tayug, Pangasinan Judge Emma Ines-Parajas sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions ang tahanan ng alkalde at ng dalawa nitong bodyguard.
Unang sinalakay ang bahay ni Mayor Pajeta sa Brgy. Poblacion East Agno, Pangasinan na nakumpiskahan ng armalite rifle, 250 piraso ng bala ng M16, 18 piraso ng bala ng M14 rifle, sampung piraso ng mahabang magazine para sa M16 armalite rifle at limang piraso ng maikling magazine para sa M16 rifle.
Nakuha naman sa bahay ni Batalla ang isang caliber 9mm pistol, 22 piraso ng bala ng 9mm pistol; tatlong piraso ng bala ng caliber .45 pistol, 6 piraso ng bala ng caliber .38 at isang magazine para sa cal 9mm.
Sinunod namang salakayin ang tahanan ni Nivera na nakumpiskahan ng isang cal 45 pistol, 14 piraso ng bala ng cal 30, 12 piraso ng bala ng 12- gauge shotgun; 20 piraso ng bala ng M16 rifle; 7 piraso ng bala ng 38 caliber pistol; 2 piraso ng cal 45; 16 piraso ng bala ng carbine; isang magazine para sa M16 at 16 piraso ng bala ng cal 45 pistol.
- Latest