^

Bansa

BDO best investment bank sa Pinas

MANILA, Philippines - Pinangalanan ng banya­gang pahayagang The Asset ang BDO Capital and Investment Corp. (BDO Capital) na pinakamagaling na investment bank sa Pilipinas sa katatapos lamang na The Asset Triple A Country Awards 2012 Southeast Asia.

Ito ay pampitong mag­kakasunod na taon na tumanggap ang BDO Capital, ang investment-banking arm ng BDO Unibank, Inc. (BDO), ng nasabing award.

Samantala, ang US$1 billion rights issue ng BDO ay kinilala bilang Best Deal sa Pilipinas ng nasabing publikasyon. Ang nasabing deal na nakumpleto nuong unang kalahati ng 2012 ay pinamunuan ng Citi, Deutsche Bank, at J.P Morgan bilang international underwriters; United Overseas Bank bilang co-lead manager; at BDO Capital bilang domestic underwriter.

Ang The Asset, isang Hong Kong-based publication na binabasa ng mga financial decision makers ng Asya, ay nauna ng pinarangalan ang isa pang subsidiary ng BDO – ang BDO Private Bank – bilang best private bank sa Pilipias sa nakaraang Triple A Investment Awards nito.

 

vuukle comment

ASSET TRIPLE A COUNTRY AWARDS

BDO

BEST DEAL

CAPITAL AND INVESTMENT CORP

DEUTSCHE BANK

HONG KONG

P MORGAN

PILIPINAS

PRIVATE BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with