OCTA: Presyo ng bilihin, top issue pa rin ng Pinoy

MANILA, Philippines — Nananatiling pangunahing isyu para sa mga Pilipino ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ayon sa pinakahuling survey ng OCTA Research.
Lumabas sa survey na 42% ng mga respondent ang nagsabing ito ang pinakamahalagang problemang dapat tugunan ng pamahalaan, mas mataas ng limang puntos sa 37% na naitala noong Hulyo. Pumangalawa ang usapin ng mas mataas na sahod sa 35%.
Samantala, bumaba sa 20% ang bilang ng mga nag-aalala sa pagkakaroon ng abot-kayang pagkain, kapantay ng porsyento ng mga tumukoy sa libreng de-kalidad na edukasyon bilang mahalagang isyu. Kabilang din sa top national concerns ang paglaban sa korapsyon at mga usaping pangkalusugan.
Pinakamataas ang antas ng pag-aalala sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa National Capital Region (NCR) na may 35%, at sa Class ABC respondents na umabot sa 41%.
Isinagawa ang survey mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 4, 2026 sa 1,200 respondent na may edad 18 pataas.
- Latest















