^

Bansa

Magsakripisyo sa 2027 budget para maiangat ekonomiya

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

Lacson sa kapwa mambabatas

MANILA, Philippines — Nanawagan si Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa kanyang mga kapwa mambabatas na magsakripisyo muna sa 2027 national budget upang matulungang maibangon ang humihinang ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Lacson, kinakailangang magkaisa ang Kongreso at bawasan ang ilang patronage o “papogi” spending dahil nahaharap ang bansa sa mahirap na kalagayang pang-ekonomiya.

Binatikos niya ang bilyun-bilyong pondong inilaan para sa iba’t ibang ayuda at libu-libong multi-purpose buildings (MPBs), kabilang ang ilang proyekto na umano’y walang aktuwal na istraktura o maituturing na “ghost projects.”

Kinuwestiyon din ng senador ang patuloy na paglalaan ng malaking pondo para sa mga programang ayuda tulad ng AICS, TUPAD at MAIFIP, gayong mayroon nang umiiral na social protection programs gaya ng 4Ps.

Ayon kay Lacson, bumagal ang paglago ng ekonomiya habang patuloy na tumataas ang inflation, dahilan upang malayo na ang aktuwal na kalagayan ng bansa sa mga economic assumptions na ginamit sa paghahanda ng 2027 budget.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with