DAR Chief pinasisibak… 43 magsasaka, nag-hunger strike
MANILA, Philippines - Sinimulan kahapon ng umaga ng 43 magsasaka na kaanib sa Task Force Mapalad (TFM) ang kanilang hunger strike sa tapat ng opisina ni Department of Agrarian Reform sa Elliptical Road, Diliman, Quezon City na humihiling na sibakin sa puwesto si DAR Sec. Virgilio delos Reyes.
Ayon kay TFM-Negros president Alberto Jayme ang kanilang hunger strike ay bahagi ng kanilang apila kay Pangulong Noynoy Aquino para sibakin sa puwesto si Delos Reyes dahil sa kabiguan nito na maipatupad ang repormang agraryo para sa mga magsasaka.
Sinabi ni Jayme, ilan umano sa nabiyayaan ng P300 milyon tulong pinansyal para sa Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa mga magsasaka ng Negros ay napunta sa may 41 kooperatiba na kinokontrol ng mga panginoong maylupa sa Negros at inendorso ng DAR na kabilang sa tumanggap ng P 300-milyong loans.
Sinabi pa ni Jayme na hindi isinama ni De Los Reyes ang may 77,000 hectares ng private agricultural lands (PALs) mula sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) coverage dahil kabilang umano ito sa hurisdisksyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
- Latest