^

Bansa

Mga kliyente ng BDO nagpasalamat sa Saltimbanco

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nabigyan ng kasiyahan kamakailan ang mga kliyente ng BDO Unibank Inc (BDO) nang sila ay nakatanggap ng exclusive invitation mula sa BDO bilang pasasalamat sa kanilang walang sawang pagsuporta sa mga nagdaang taon.

Sa “Special BDO Night” na ginanap noong Agosto 17 sa The Arena sa MoA Complex, mahigit 4,000 high net-worth na kliyente ng bangko ang nanuod sa pagtatanghal ng Cirque du Soleil ng kanilang palabas na Saltimbanco, isa sa mga pinakasikat na international circus productions ng grupo.

“Para sa akin, ito ang pinakamahusay na palabas,“ sabi ng isang 12 taon na bata na sinamahan ng kanyang mga magulang sa pa­nunuod. Samantala, sinabi ng isang pamilyang may apat na miyembro na “Napakahusay talaga mag-alaga ang BDO sa kanilang mga kliyente. Kami ay naasikaso nang mahusay tulad ng mga espesyal na panauhin.”

Samantala, sinabi ng isang ina na may dalawang anak na teenager, ”Sobrang nagustuhan ng mga anak ko ang palabas ng Cirque. Salamat sa BDO sa pagbibigay ng pagkakataon na mapanuod namin ito. Ilan lamang sila sa mga maraming kliyente na umuwing masaya sa isang palabas na tinaguyod at sinuportahan ng BDO.

Ang Saltimbanco ay ang pinakamatagal na touring show performance ng Cirque du Soleil mula pa nuong 1992 na naitanghal na sa Europa, Hilaga at Timog Amerika, Australia, Japan, at New Zealand. Nagkaroon sila ng matagumpay na pagtatanghal sa Maynila mula Agosto 9-19, 2012.

vuukle comment

AGOSTO

AMERIKA

ANG SALTIMBANCO

BDO

HILAGA

ILAN

NEW ZEALAND

SAMANTALA

UNIBANK INC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with