^

Bansa

1 pang US submarine ang dadaong sa Subic Bay

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isa pang US submarine ang dadaong ngayong araw sa Subic Bay, Zambales.

Sa ipinadalang mensahe ng US Embassy sa Defense Press Corps, nabatid na ang USS Hawaii (SSN 776) na isang Virginia Class submarine ay dadaong sa Subic Bay para sa routine port call at goodwill visit.

Una nang dumating sa Subic Bay noong Lunes ang USS Frank Cable, isang Spear class submarine para sa routine port call at rest and recreation ng mga tripulante nito.

Ang Virginia Class Submarine ay ang kauna-unahang commissioned warship ng US Navy na ipinangalan sa ika-50 estado ng Estados Unidos.

Ang submarine ay armado ng 12 VLS tubes torpedo para sa MK 48 torpedos.

Matapos naman ang ilang araw na routine port call at goodwill visit ay babalik na sa kanilang destinasyon ang dalawang US submarines.

Ayon sa mga opis­yal ng Philippine Navy normal lamang ang pagbisita sa bansa ng mga barko ng Amerika kabilang na ang mga submarine nito alinsunod sa umiiral na Mutual Defense Treaty ng dalawang magkaalyadong bansa.

vuukle comment

AMERIKA

ANG VIRGINIA CLASS SUBMARINE

AYON

DEFENSE PRESS CORPS

ESTADOS UNIDOS

FRANK CABLE

MUTUAL DEFENSE TREATY

PHILIPPINE NAVY

SUBIC BAY

VIRGINIA CLASS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with