^

Bansa

Arab newsman i-ban sa Pinas!

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nais ni DILG Sec. Jesse Robredo na huwag nang papasukin sa bansa ang Jordanian journa­ list na si Baker Abdulla Atyani sa sandaling lumutang na ito matapos ang kanyang ‘mission impossible’ sa Sulu.

Sinabi ni Sec. Robredo sa Malacañang repor­ters sa Davao City, may kontak na sila kay Atyani at tiniyak ng dayuhang reporter na ‘safe’ daw sila sa kamay ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Sulu.

Inako din ni Atyani ang responsibilidad sa kanyang isinamang tv crew na sina Ramelito Vela at Roland Letrero.

Nais makapanayam ng dayuhang mamama­hayag si Abu Sayyaf Commander Yasser Igasan kaya ito pumanik sa ‘pugad’ ng bandidong grupo. Nainterbyu na rin dati ni Atyani ang yumaong terrorist lider na si Osama bin Laden.

Sinabi pa ni Robredo na nilinlang ni Atyani ang mga lokal na awtoridad matapos itong magtungo na naman sa kuta ng Abu Sayyaf na hindi nagpaalam at nakipagkoordinasyon sa mga awtoridad sa isasagawa nitong ‘documentary report’ hinggil umano sa terorismo.

“There was an element of deception. If you imperil yourself and create problems for us, I think you should not be allowed in the country again,” ani Robredo na sinabi pang inilagay rin ni Atyani sa panganib ang buhay ng dalawang Pinoy crew.

Siniguro din ni Robredo na kapag lumutang na si Atyani ay hihilingin niyang i-ban na ito sa pagpasok sa Pilipinas dahil sa ‘gulo’ na ginawa nito. (Rudy Andal/Joy Cantos)

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF COMMANDER YASSER IGASAN

ABU SAYYAF GROUP

ATYANI

BAKER ABDULLA ATYANI

DAVAO CITY

JESSE ROBREDO

JOY CANTOS

RAMELITO VELA

ROBREDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with