^

Bansa

Mga grupo, pinuri LTFRB sa P555.75milyong multa sa Move It

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Mga grupo, pinuri LTFRB sa P555.75milyong multa sa Move It
Ayon sa LTFRB, may 73,321 aktibong rider ang Move It kahit 17,746 lamang ang awtorisado, o sobrang 55,575 riders.
STAR / File

MANILA, Philippines — Pinuri ng ilang consumer, transport at motorcycle rider groups ang desisyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na multahan ng P555.75 milyon ang Move It dahil sa umano’y sobrang bilang ng riders na lampas sa itinakdang allocation.

Ayon sa LTFRB, may 73,321 aktibong rider ang Move It kahit 17,746 lamang ang awtorisado, o sobrang 55,575 riders.

Kabilang sa mga sumuporta sa hakbang ang National Confederation of Tricycle Operators and Drivers Associations of the Philippines (NACTODAP), National Public Transport Coalition (NPTC), Digital Pinoys, Lawyers for Commuters’ Safety and Protection (LCSP), Kapatiran ng Dalawang Gulong (KAGULONG), Motorcycle Taxi Rider Organization (METRO), at PASADA CC.

Iginiit ng mga grupo na mahalagang ma­panatili ang kaligtasan ng mga commuter at matiyak na ang lahat ng rider ay wastong na-screen at nasanay. Anila, hindi dapat maisantabi ang commuter protection para lamang matugunan ang demand.

Sinabi rin ng mga ­rider organizations na hindi dapat sisihin ang mga rider sa mga desisyong ginawa ng pamunuan ng kumpanya kaugnay ng onboarding.

Anila, ang kumpanya ang dapat managot kung napatunayang lumampas ito sa pinahihintulutang bilang ng riders.

Nangako naman ang mga grupo na babantayan ang susunod na hakbang ng LTFRB at Department of Transportation sa pagpapatupad ng multa.

LTFRB

MOTORCYCLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with