Leni humahabol kay Sara

7 puntos na lang - survey
MANILA, Philippines — Lumiit sa pitong puntos ang agwat ng suporta kay Vice President Sara Duterte at dating vice president/Naga Mayor Leni Robredo sa isang posibleng laban sa pagkapangulo, ayon sa pinakabagong survey ng OCTA Research.
Batay sa survey, 26 porsiyento ng mga respondent ang hindi pa nakapagpapasya, habang 1 porsiyento ang tumangging sumagot.
“This is the narrowest OCTA has recorded between the two,” ayon sa OCTA.
Ayon pa sa OCTA Research, tugma ang resulta sa mga naunang survey na nagpapakita ng unti-unting pagliit ng agwat ng suporta kina Duterte at Robredo.
Mula sa 11 percentage points noong unang quarter, kung saan nakakuha si Duterte ng 46% at si Robredo ng 35%, lumiit ito sa siyam na puntos noong ikalawang quarter, na may 43% para kay Duterte at 34% para kay Robredo.
Gayunman, nilinaw ng OCTA na ang pagkipot ng agwat ay dulot ng pagbaba ng suporta kay Duterte at hindi ng pagtaas ng suporta kay Robredo.
“Mayor Robredo’s vote share has been steady at 35 percent, 34 percent and 33 percent. Over the same period, VP Duterte’s share fell six points, and the undecided share rose seven,” pahayag ng OCTA.
Dagdag pa nito, posible pang magbago ang mga resulta dahil sa paghahain ng kandidatura, mga alyansa sa pulitika, kalalabasan ng mga usaping legal, at iba pang mahahalagang isyung kinakaharap ng bansa.
Isinagawa ang survey mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 4, 2026 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 respondent na may edad 18 pataas.
- Latest




















