PANOORIN: Sapul sa CCTV: Romualdez, nakunan sa QC Jail
MANILA, Philippines — Sapul sa CCTV si Rep. Martin Romualdez sa Quezon City Jail–Male Dormitory noong Nobyembre 4, ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Sa paunang beripikasyon ng BJMP National Headquarters, kinumpirma ang pagpunta ni Romualdez sa pasilidad kasunod ng mga alegasyon ng hindi awtorisadong paggalaw at pag-disable sa mga CCTV security system.
Ayon sa ahensya, nanatiling gumagana ang CCTV monitoring system ng piitan sa kabila ng mga alegasyon.
Wala rin umanong naitalang pagkawala ng kuryente o mga paggalaw na hindi nakunan ng CCTV footage batay sa paunang pagsusuri.
Nakakulong ang former House Speaker dahil sa kasong plunder kaugnay ng umano’y P7.44-bilyong kickback scheme sa mga flood control at iba pang government infrastructure projects.
- Latest


















