Xi Jinping hindi dadalo sa ASEAN Summit

MANILA, Philippines — Hindi makakadalo sa 49th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit si Chinese President Xi Jinping na gaganapin dito sa Pilipinas.
Sa halip si Chinese Premier Li Quang ang magre-representa sa Beijing sa nasabing pagtitipon.
Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Ma. Theresa Lazaro, handa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-welcome sa Manila si Li para sa naturang summit.
Ayon kay Lazaro ipinarating niya kay Li ang imbitasyon ni Pangulong Marcos sa pamamagitan ng kanilang pag-uusap sa telepono ni Chinese Foreign Minister Wang Yi nitong Nobyembre 3.
Inaaasahan din aniya ng China na dadalo ang Pangulo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit sa Shenzhen.
Ipinahayag naman aniya ni Wang Yi ang pagnanais ng Beijing sa paglahok ni Marcos sa 33rd APEC Economic Leaders Meeting.
Sa pahayag pa ng DFA, sinabi nito na kapwa tiniyak ng dalawang opisyal na bibigyan ng kaukulang paggalang, tulong at seguridad ang kani-kanilang lider sa mga nakatakdang pagpupulong.
- Latest

















