Democrats kontrolado Senado, Kamara ng US
MANILA, Philippines — Nasungkit ng Democratic Party ang kontrol sa Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos matapos magtala ng sunud-sunod na panalo sa mga estadong matagal nang balwarte ng Republicans.
Ipinakita ng resulta ng halalan ang pagkadismaya ng milyun-milyong botante sa liderato ni US President Donald Trump. Maging sa ilang konserbatibong estado na sumuporta sa kanya noong nakaraang halalan ay kapansin-pansin ang paglipat ng suporta sa Democrats.
Kabilang sa mga itinuturong dahilan ng pagbabago ng sentimyento ng mga botante ang hindi popular na digmaan laban sa Iran, pagtaas ng gastusin sa pamumuhay, at hindi pagkasiya sa pamamalakad ng administrasyon.
Sa Kansas, nahalal ang kauna-unahang Democratic senator ng estado mula pa noong panahon ng Great Depression. Sa South Carolina naman, tinalo ng Democratic candidate ang kandidatong senador na personal na inendorso ni Trump.
Nagwagi rin ang Democrats sa Texas matapos makuha ang isang puwesto sa Senado at mapatalsik sa puwesto ang tatlong terminong Gobernador na si Greg Abbott.
Dahil dito, inaasahang magkakaroon ng mas mahigpit na pagbusisi sa White House kapag nanumpa sa Enero ang mga bagong halal na mambabatas.
Inaasahan ding magsasagawa ang Democrats ng mga imbestigasyon laban sa administrasyon ni Trump, habang maaari ring harangin ng Senado ang ilang mahahalagang presidential appointments at iba pang pangunahing panukalang batas.
- Latest





















