^

Bansa

1st year HS lusaw na, Grade 7 ipinalit!

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Simula sa susunod na pasukan ay lusaw na ang 1st year high school na pasok ng mga estud­yante at lahat ng magtatapos sa grade 6 ngayon taon ay papasok sa grade 7 sa darating na pasukan.

Inihayag ni Fr. Gre­gorio “Gregg” Bañaga Jr., pre­sidente ng Adamson University at isa sa pa­ngunahing nagsusulong ng K to 12 program ng Department of Education (DepEd), na nagpatawag na siya ng pagpupulong sa lahat ng magulang na nasa grade 6 at ipina­alam ang nasabing plano ng DepEd.

“Wala na pong tata­ waging 1st year high school sa halip ay grade 7 na at sa susunod na mga taon ay grade 8, 9, 10, 11 at 12.” ani Fr. Gregg.

Si Fr. Gregg ay siya ring pangulo ng Catholic Educational Association of the Philippines o samahan ng lahat ng paaralan na pinatatakbo ng simbahang Katoliko.

Aniya, nasa ‘chronic illness­’ o naghihingalo na ang kalagayan ng edukasyon sa bansa kaya ka­­ilangan ng baguhin ang sistema ng pagtuturo sa mga estudyante para makasabay sa ‘global competition’.

Inihayag pa ni Fr. Gregg na may suporta naman ang pamahalaan sa mga mag-aaral sa mga pribadong paaralan sa pagpapatupad sa K to 12 kung saan ay P10,000 sa National Capital Region (NCR) at P5,000 na­man sa mga probinsiya habang libre sa mga pampublikong paaralan.

Tutol ang ilang magulang sa dagdag na dalawang taon na pag-aaral ng mga estudyante dahil panibago umanong pasa­nin sa kanila ang dagdag na gastos sa tuition fee at iba pang bayarin pero wala ng magagawa dahil sisimulan ng ipatupad ng DepEd ang K to 12 program nito sa darating na pasukan.

ADAMSON UNIVERSITY

ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

CATHOLIC ED

DEPARTMENT OF EDUCATION

GREGG

INIHAYAG

NATIONAL CAPITAL REGION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with