^

Bansa

Sayyaf aatake sa pista ng Nazareno!

- Nina Rudy Andal at Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nagbabala kahapon si Pangulong Aquino sa lahat ng dadalo ngayon sa kapistahan ng Black Na­zarene na maging maingat kaugnay ng ‘terror threat’ na posibleng ilunsad ng mga terrorist groups tulad ng Abu Sayyaf.

Sa biglaang media briefing kahapon sa Ma­lacañang, inihayag ng Pa­ngulo na isang intelligence report ang naka­rating sa kanya na nasa Metro Manila na ang ilang pinaghihinalaang miyembro ng ASG at posibleng umatake at samantalahin ang kapistahan ng Quiapo upang maghasik ng karahasan.

Bunsod nito, nakiusap ang Pangulo sa lahat ng dadalo sa pista ng Quiapo na kung maaari ay baka puwedeng manatili na lamang sa kanilang tahanan ang ilang debotong babae o bata para makaiwas sa sakuna tulad ng siksikan sa prusisyon.

Ginagawa anya ng gob­yerno ang lahat upang masiguro ang kaligtasan ng taumbayan pero nakiusap din si PNoy na todo ang gawing pag-iingat.

Aniya, sa isang demokratikong bansa ay malaya ang sinuman na makiisa sa kapistahan ng Nazareno kabilang na ang masasamang elemento.

Iwasan din anya ang magdala ng cellphone, paputok, anumang armas dahil sa sandaling mahulihan sila nito ay siguradong aarestuhin sila.

Nilinaw naman ng Pangulo na ang bantang ito ay walang kinalaman sa inilabas na travel war­ning ng Estados Unidos.

Kasamang humarap ng Pangulo sa media briefing ang miyembro ng kanyang Security Cluster Group kung saan iniahayag nito na naka-maxi­mum alert na ang lahat ng awtoridad.

Kahapon ay sorpresang bumisita si Aquino sa Minor Basilica church sa Quiapo at sa itinatag na command post ng Philip­pine National Police (PNP) upang tiyakin kung kasado na ang seguridad na inilatag para sa gaganaping Translacion ng Black Nazarene nga­yong umaga mula Quirino Grandstand pa­balik sa Quiapo church, na inaasahang aabutin ng gabi.

Unang bumisita si PNP chief, C/Supt. Nicanor Bartolome dakong alas-10 ng umaga para sa final coordinating conference na dinaluhan din nina Manila Mayor Alfredo S. Lim, Manila Police District (MPD) director C/Supt. Alex Gutierrez at iba pang kinatawan ng ahensiya ng gobyerno na tumutulong sa seguridad ng pagdiriwang.

Tiniyak ni Lim na bukod sa mga naka-standby na 30 ambulansiya sa strategic places at medical personnel  mula sa anim na public hos­pital sa Maynila ay may iba pang grupo na nagprisinta na magtatayo din ng tent para sa health emergencies tulad ng mahihilo, mata­tapakan o masusugatan.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ALEX GUTIERREZ

AQUINO

BLACK NA

BLACK NAZARENE

ESTADOS UNIDOS

MANILA MAYOR ALFREDO S

PANGULO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with