^

Bansa

CGMA pinayagan ng korte sa St. Luke's hanggang Biyernes

- Nila Lordeth Bonilla at Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Pinayagan ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) ang hiling ng kampo ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na mananatili ito hanggang sa Biyernes sa Saint Luke’s Hospital, sa Taguig City.

Ang pagpayag ng korte ay base sa naging katwiran ng mga abogado ni Ginang Arroyo na hindi pa tapos ang renovation o pagkukumpuni ng Presidential Suit ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) na nasa lungsod Quezon, na kung saan ito ang magiging kuwarto ng dating lider ng bansa.

Sinabi ni Atty. Laurence Arroyo, isa sa abogado ni CGMA, na hindi na nila ikinatwiran ang medical condition ng dating pangulo  para sa pagpapalawig nitong manatili hanggang Biyernes sa Saint Luke’s Hospital, dahil gumagaling na ito.

Kaugnay nito’y pansamantala munang  pinayagan ni Judge Jesus Mupas ng Pasay RTC Branch  112 ang paggamit ng cellphone at laptop ng dating pangulo matapos magsumite ang kanyang mga abogado ng supplemental motion for partial reconsideration for the use of laptop and cellphone.

Binigyan din  ni Mupas ng 15-araw ang magkabilang panig,  na magsumite ng kani-kanilang motion sa hirit ng abogado ng dating pangulo kaugnay sa paggamit ng cellphone at laptop bago siya maglabas ng desisyon.

Sa kabila naman ng mariing pagtutol ni Atty. Maria Juana Valeza ng Commission On Election Investigation and Prosecution Division,  sa pagpapalawig ng pananatili ni CGMA sa St. Luke’s, sinabi ni COMELEC  Chairman Sixto Brillantes, na nirerespeto nila ang desisyon ng hukuman.

Paninindigan pa rin aniya nila ang hirit na sa detention facility ng Southern Police District (SPD) manatili si Arroyo, subalit nasa hukom pa rin ang huling pagpapasiya.  

BIYERNES

CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

COMMISSION ON ELECTION INVESTIGATION AND PROSECUTION DIVISION

GINANG ARROYO

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

JUDGE JESUS MUPAS

LAURENCE ARROYO

MARIA JUANA VALEZA

SAINT LUKE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad