Sara, ‘di mag-eendorso ng senador sa 2028
MANILA, Philippines — Wala umanong balak si Vice President Sara Duterte na mangangampanya o mag-eendorso ng sinumang kandidato sa pagka-senador sa 2028 national elections.
“Hindi na ako mangampanya ng senador dahil pagod na ako sa kanila,” pahayag ni Duterte.
Iginiit din nitong wala siyang balak na suportahang senatorial candidate kahit pa matuloy ang kanyang planong tumakbo bilang pangulo sa 2028.
“No, no, no I will not campaign sa senator… Okay lang wala akong kaalyadong senator,” dagdag niya.
Nauna nang inihayag ni Duterte ang kanyang intensyong kumandidato sa pagkapangulo sa susunod na pambansang halalan at wala pa siyang napipiling running mate o kandidato sa pagka-bise presidente na makakasama sa kanyang posibleng pagtakbo.
Gayunman, aminado siyang makatutulong kung magkakaroon siya ng running mate na kanyang mapagkakatiwalaan.
Hindi naman tinukoy ni Duterte kung may partikular na senador o pangyayaring dahilan ng kanyang desisyong hindi na mangampanya para sa mga kandidato sa Senado.
- Latest




















