^

Police Metro

OVP 2027 budget lusot agad sa Senado

Malou Escudero - Pang-masa
OVP 2027 budget lusot agad sa Senado
Dumalo kahapon si Vice President Sara Duterte para sa plenary deliberations ng proposed 2027 budget ng Office of the Vice President (OVP) sa Senado na kung saan ay agad naaprubahan ang P785.2 milyon budget.
Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Halos tumagal lamang ng isang minuto ang pag-apruba ng Senado sa panukalang P785.2 milyong budget ng Office of the Vice President para sa fiscal year 2027 na kung saan ay personal na nagtungo si Vice President Sara Duterte.

Sinalubong si Duterte ng ilang senador kabilang sina Senators Robin Padilla at Bong Go at sinamahan din siya  ni OVP Chief of Staff Zuleika Lopez, OVP Assistant Chief of Staff Lemuel Ortonio, at iba pang opisyal ng tanggapan.

Dakong ala-1:06 ay pormal na iniharap ni Senate Finance Committee Chair at budget sponsor Sen. JV Ejercito sa plenaryo ang panukalang 2027 budget ng OVP.

Walang senador na nagtanong kaya agad na naghain ng mosyon si Senate Majority ­Lea­der Juan Miguel Zubiri upang aprubahan ang panukalang badyet ng OVP para sa 2027.

Sinabi ni Zubiri na ang agarang pagpasa ng budget ng OVP ay bahagi na ng tradisyon at “courtesy” na ipinagkakaloob sa ahensiya.

Inaprubahan ni ­Senate President Sherwin Gatchalian ang mosyon makalipas ang isang minuto, nang walang pagtutol mula sa mga senador.

Noong Oktubre, mabilis ding inaprubahan ng subcommittee ng Senate Committee on Finance ang panukalang badyet ng OVP para sa fiscal year 2027.

Tumanggi si Duterte na sagutin ang tanong ng media kung dadalo siya sa natitirang araw ng kanyang impeachment trial.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with