^

Police Metro

Pinas, bibili ng 6 Chinook chopper sa US

Joy Cantos - Pang-masa
Pinas, bibili ng 6 Chinook chopper sa US
CH-47 Chinook helicopter
Philstar.com / John Unson

MANILA, Philippines — Anim na brand-new Boeing CH-47 Chinook heavy-lift helicopters ang planong bilhin ng Pilipinas sa Estados Unidos.

Ito ang kinumpirma ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. bilang bahagi ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pamamagitan ng $2 bilyong Foreign Military Financing (FMF) na inianunsiyo ni US President Donald Trump.

Ayon kay Teodoro Jr.  na posibleng maideliber ang mga ito sa Setyembre 2029 para sa pagpapalakas pa modernisasyon ng AFP.

Inihayag ni Teodoro na ang anim na Chinook ay para sa pagpapalakas ng kapabilidad ng Philippine Air Force para suportahan ang kasalukuyang S-70i Black Hawk fleet nito.

Aniya, ang Chinook  choppers ay higit pa sa kapabilidad ay higit pa sa Black Hawk na kayang magsakay ng apat na beses sa maaaring maikarga ng huli.

Ayon kay Teodoro, bagama’t napatuna­yang epektibo ang mga Black Hawk sa mga operasyon sa pagtugon sa sakuna,  nananatiling limitado ang kakayahan ng mga ito sa pagdadala ng kargamento, partikular sa paglilipat ng mabibigat na kagamitan at suplay.

Idinagdag pa ni Teodoro na kayang magsakay ng sasakyang panghimpapawid ng 30 hanggang 40 tropa sa bawat pagkakataon at bilang heavy-lift helicopter ay ka­yang magdala ng Chinook ng hanggang 24,000 libra ng mga kargamento at mga tauhan.

CHOPPER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with