^

Bansa

Negros Occidental pasok sa Best Places to go in Asia

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ikinalugod ni Negros Occidental Third District Rep. Javier Miguel “Javi” Benitez ang pagkakasama ng Negros Occidental sa listahan ng Condé Nast Traveler na Best Places to Go in Asia in 2027.

Pinili ng US-based travel magazine ang Neg­ros Occidental bilang tanging destinas­yon mula sa Pilipinas dahil sa kultura nito ng slow food, mga katutubong sangkap, at eco-friendly na karanasan.

Kasama ng lalawigan sa listahan ang Armenia, Bangkok sa Thailand, Jaipur sa India, Niigata sa Japan, Penang sa Malaysia, Phú Qu?c sa Vietnam, at Shanghai at Yunnan sa China.

Ayon kay Benitez, ang pagkilala ay para sa mga magsasaka, mangi­ngisda, at miyem­bro ng Slow Food Negros na nagpapanatili ng maya­mang tradisyon sa pagkain ng lalawigan.

Naging daan sa pagkilala ang pagbisita ng pangkat ng Condé Nast Traveler sa Negros at ang kanilang pagdalo sa Terra Madre Asia and Pacific sa Bacolod City.

Sinabi rin ni Benitez na mas magiging mahalaga ang 2027 para sa Negros dahil muli nitong iho-host ang Terra Madre Asia and Pacific at ang Organic World Congress. Inihahanda na rin aniya ang mga imprastraktura upang matugunan ang inaasahang pagdagsa ng mga turista.

NEGROS OCCIDENTAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with