Mosyon vs piyansa ni Revilla, Ibinasura

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Sandiganbayan Third Division ang mosyon ng prosekusyon na muling pag-aralan ang resolusyong nagbigay ng piyansa kay dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. kaugnay ng kasong malversation na may kinalaman sa umano’y P92.8-milyong ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.
Kasabay nito, ibinasura rin ng korte ang mga mosyon para sa reconsideration ng ilang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) matapos tanggihan ang kanilang mga petisyon para sa piyansa.
Nag-ugat ang kaso sa proyekto kung saan iniulat na nakatanggap ng P76.9 milyon ang contractor na Sims Trading kahit wala umanong naitayong slope protection structure.
Noong Hulyo 31, 2026, pinagkalooban si Revilla ng P1-milyong piyansa matapos mabigo ang prosekusyon na magpakita ng matibay na ebidensya ng pagkakasala. Kumontra rito ang Office of the Ombudsman at naghain ng motion for reconsideration, na tuluyang ibinasura ng korte.
Dahil dito, nananatiling epektibo ang piyansa ni Revilla habang nagpapatuloy ang pagdinig ng kaso.
- Latest















