^

Bansa

Bonus ng mga empleyado ng Senado mas malaki

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Masayang Pasko ang naghihintay sa mga empleyado ng Senado dahil mas malaking bonus ang matatanggap nila kumpara sa ibang mga empleyado ng gobyerno.

Inihayag kahapon ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na mas malaki pa sa P10,000 na Christmas bonus ng mga empleyado ng gobyerno ang ibibigay sa mga taga-Senado. Nauna rito, umugong ang tsismis sa Mataas na Kapulungan na aabot sa P100,000 ang ibibigay na Christmas bonus sa mga empleyado ng Senado.

Pero pinabulaanan ito ni Lacson dahil kung bibigyan umano ng nasa P100,000 bawat isang empleyado ay walang matitira sa kanilang pondo.

Kinumpirma rin ni Lacson na si Senate President Juan Ponce Enrile ang nais magbigay ng mas malaking bonus sa mga empleyado ng Senado.

Ilang empleyado ng Senado ang nagkumpirma na posibleng hindi na sila magkaroon ng Christmas party upang idagdag na lamang sa Christmas bonus ang gagastusin sa kasiyahan.

vuukle comment

EMPLEYADO

ILANG

INIHAYAG

KAPULUNGAN

KINUMPIRMA

LACSON

MASAYANG PASKO

SENADO

SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

SENATOR PANFILO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with