^

Bansa

Hirit ni Revilla na ibasura malversation, tinabla

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinanggihan ng Sandiganbayan Third Division ang kahilingan ni dating Senador Bong Revilla Jr. at ng kanyang mga kapwa-akusado na makapaghain ng demurrer to evidence sa kasong malversation kaugnay ng umano’y ghost flood control project na nagkakahalaga ng P92.8 milyon sa Bulacan.

Ayon kay Third Division Clerk of Court Atty. Dennis Pulma, nagpalabas ang hukuman ng resolusyon na tumatanggi sa mosyon ng lahat ng akusado upang makapaghain ng demurrer to evidence.

Ang demurrer to evidence ay mosyon ng depensa na humihiling na ibasura ang kaso dahil umano sa kakulangan ng ebidensyang iniharap ng prosekusyon.

Kasama ni Revilla sa kaso ang ilang dating opisyal at empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Bulacan.

Nakabinbin ang kasong malversation laban kay Revilla dahil sa umano’y pakikipagsabwatan sa iligal na pagpapalabas ng pondo para sa isang ghost flood control project sa Pandi, Bulacan. Nakatakda naman sa Nobyembre 24 at 25, 2026 ang presentasyon ng ebidensya ng depensa.

BONG REVILLA JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with