^

Bansa

Chinese Premier Li Qiang dadalo sa ASEAN Summit

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Chinese Premier Li Qiang dadalo sa ASEAN Summit

MANILA, Philippines — Dadalo si Chinese Premier Li Qiang sa ASEAN Summit at mga kaugnay na pagpupulong na gaganapin sa Pilipinas mula Nobyembre 16 hanggang 18, kasama ang iba pang lider ng iba’t ibang bansa, kabilang si US President Donald Trump.

Ito ang inihayag ng Ministry of Foreign Affairs ng China, na nagsabing tinanggap ni Li ang imbitasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na kasalukuyang rotating chair ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Bago magtungo sa Pilipinas, magsasagawa muna si Li ng opisyal na pagbisita sa Thailand mula Nob­yembre 13 hanggang 15 sa paanyaya ni Thai Prime Minister Anutin Charnvirakul.

Matagal nang may umiiral na alitan ang Pilipinas at China kaugnay ng magkakapatong na pag-aangkin sa ilang bahagi ng South China Sea.

Bukod kina Li at Trump, inaasahan ding dadalo sa summit sina Brazilian President Luiz Inácio Lula da Silva at Canadian Prime Minister Mark Carney.

Inaasahan din ang pagdalo ng mga East Asia dialogue partners ng ASEAN, kabilang ang Japan at South Korea, sa nasabing serye ng mga pagpupulong.

ASEAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with