^

Bansa

SC ruling sa BSKE inapela

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
SC ruling sa BSKE inapela

MANILA, Philippines — Humirit si election lawyer Romulo Macalintal sa Supreme Court (SC) ng partial reconsideration kaugnay ng desisyong nagpalawig sa limang taong termino ng mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) at naglipat ng BSKE sa Nobyembre 2028.

Sa kanyang mosyon, hiniling ni Macalintal na kilalaning konstitusyonal ang kapangyarihan ng Kongreso na pahabain ang termino ng mga opisyal, ngunit ideklarang labag sa Konstitusyon ang pagpapaliban ng nakatakdang BSKE noong Nobyembre 2026.

Sinabi niyang isang “win-win solution” ito dahil mapananatili ang kapangyarihan ng ­Kongreso habang maibabalik ang karapatan ng mga botante na makapili ng kanilang mga lider.

Noong Nobyembre 6, ibinasura ng SC ang petisyong kumukuwes­tiyon sa Republic Act No. 12326, na nagpalawig sa termino ng mga opisyal ng barangay at SK sa limang taon at nagtakda ng susunod na BSKE sa Nobyembre 2028.

BSKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with